top of page
ALAMAT.jpg
alamat.jpg


           Ang mga taga Tinabunan at Alapan ay walang malapit na madaanan papuntang Poblacion. Kinakailangan muna nilang umikot sa Medicion bago makarating ng bayan. Ang mga mangangalakal ay napipilitang mamaybay sa pilapil ng bukirin upang mapabilis ang pagdating nila sa baraka.
Madalas nga nilang bati ay " Mare, tanghali na halina kayo". palibhasa'y makitid ang
daanan sa pilapil kaya kapag sila'y nagkakasalubungan ay ganito ang naririnig sa kanila. " Aba! Ako ang naunang dumaan papaano ako? At malimit pa nga ay magkakagalit sila para hindi sila mahuli sa paghahanap buhay. Kaya ang sabi ng iba ay " Hoy, paraanin ninyo kami, Alis!Alis! Alis dyan!Tanghali na, marami nang namimili sa baraka".Ganyan ang takbo ng buhay nila noon, hanggang isang araw ay dumating ang mga Amerikano  sa lugay na iyon. Hindi nalingid sa kanila ang hirap na dinaranas ng mga tao sa Tinabunan. " Is this a part of Imus?Ya! Sinipat sipat nila kung ano ang magagawa nila sa mga bagay na iyon hanggang sa mabuo sa isip nila: I think they need our help". Kailangan ang isang daan na maguugnay sa Tinabunan at Poblacion, kaya natuklasan nila na: They will pass this way." O Kamusta ba kayo d'yan?Marami ba kayong benta?"
 "Hoy, mga kapatid, maginhawa na tayo ngayon, ano?"
​
        Sa bagong Karsadang ito ay marami ang nakinabang at naging daan tungo sa pagsulong ng komunidad at kabuhayan, naging mabilis na ang pagpunta nila sa baraka kaya masasaya na silang naglalakad. Iyan ang Karsadang Bago sa tulong ng mga Amerikano.
     

bottom of page